Sunday, January 17, 2010

Banat ng Gobyerno

One more Chance

Erap: sana ako na lang...ako na lang ulit...

Gloria: EDSA had me at your worst. They had me at my best. Pero binalewala mo lang lahat yun!

Erap: I have to make a choice.

Gloria: And you choose to break our vows.

Wednesday, January 13, 2010

Umpisa ng Lahat

Ako si Pinay Taklesa. Maingay, bastos at higit sa lahat TOTOO ang aking blog. Isa akong frustrated writer kahit na sa buong buhay ko ay di pa ako nakakapagsulat ng libro. Tinuturing ko din ang aking sarili bilang frustrated actress kahit na isang hamak na member lang ako ng drama guild sa aming barangay. Sa totoo lang, di naman talaga ako frustrated, depress lang. Katulad mo ako ay tao rin na lumalamon, umiinom, natutulog, humihinga at tumatae. Kadalasan makikita mo akong nagmumuni-muni at nakikipagdaldalan sa mga kaututang dila. Ang blog ko ay nagmana sa akin. Nagmumuni-muni din ito para makapag-isip ng bagong pauso at nakikipagchikahan sa inyo para itsismis ang aking mga kwentong "shits". Iba ang blog ko, welcome na welcome kang sambahin ang mga pinopost ko dito o isumpa at pagmumurahin ako sa mga comments. Sabi nga ng isang karakter na nabasa ko sa isang libro...WHATEVER!

mga bagay-bagay:

1) 4 na araw kong sinusuot ang aking uniform na walang palitan at labahan.

2) Hindi ako katulad ng iba na puro "bullshit" lang ang pinaglalagay sa mga blog.

3) 30 minutes o 1 hour akong maligo sa loob ng isang araw.

4) Ayokong hinahawakan ang buhok ko, kapag hinawakan mo ay magtago ka na sa lungga mo.

5) I don't care kung anong tingin mo sa akin but I do care kung papaano mo ako ituturing bilang tao.

6) Higit sa lahat, hindi ako alipin ng mga pauso. Hindi ako trying-hard makiuso at proud ako na minsan may pagkajologs din ako.

ps: maenjoy niyo sana ang pagchika sa inyo ng aking blog na si taklesa.

biglang sumingit ang background music: "Maalaala Mo Kaya" theme song

Nagmamahal,
Ate Charot ;)